Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 63 - Fight Three Hundred Rounds

Chapter 63 - Fight Three Hundred Rounds

Chapter 63: Labanan ng 300 Rounds

Nakarating na ang sasakyan sa main gate, kaswal na nagtanong si Ning Xi, "Jiang Muye, anong number ng villa mo?"

"No. 6."

"…" Medyo nagulat si Ning Xi. No. 6 nga.

Nahahati sa iba't ibang klase ang mga villa sa Platinum Palace. Ang pinaka magara syempre ay yung palasyo ni Big Demon King Lu na No. 8. Yun ang may pinakamalaking lote, may big lake, at flower garden din sa likod st syempre personal golf course. Kay Lu Jingli naman 'yung No. 7. Magkapantay sa ganda ang No. 7 at No. 6.

Walang nakakaalam kung sino'ng may-ari ng villa No. 6. 'Di niya inasahan na si Jiang Muye pala.

Nang makita ni Ning Xi na liliko pakanan si Lei Ming, biglang nagsalita si Ning Xi, "Ay Lei Ming, 'wag diyan may harang…"

"Pa'no mo nalamang may harang?" biglang tanong ni Jiang Muye.

Kinabahan si Ning Xi pero 'di niya pinahalata at kalmadong tinaasan ng kilay si Jiang Muye. "'Di mo ba nakikita may warning sa gilid?"

Sa totoo lang, may naaksidenteng lasing sa kalsadang 'yun; kitang-kita niya 'yung nangyari pagkadaan niya kagabi.

Nakita ni Jiang Muye ang sign na "Construction Ahead" sa gilid ng daan, "Oh", sabi niya.

Palihim na nakahinga nang maluwag si Ning Xi.

Kahit na maayos naman ang dahilan ng pag-sstay niya sa bahay nila Lu Tingxiao, masyadong magulo at kumplikadong ipaliwanag kaya mas mabuti nang iwasan ang gulo!

Pagdating nila, nalungkot nang kaunti si Ning Xi; parang gusto na lang niyang tumakas at yakapin si Little Treasure!

Lumabas si Lei Ming sa sasakyan at sinabi kay Jiang Muye, "Pwede ka na pumasok may naglilinis naman habang wala ka. Gusto mo ba dito mag-stay o sa apartment na inarrange ng company? 'Pag dito kasi baka mahirapan ka kumilos."

Sa tabi, iniisip ni Ning Xi na ''wag ka na dito mag-stay'! Pa'no kung isang araw magkasalubong sila bigla?

"I'll see, pagiisipan ko mamaya!" parang naiinip na si Jiang Muye at sumenyas na lang kay Lei Ming na pumasok na lang sila.

Napabuntong-hininga si Lei Ming sa dalawa at nag-aalalang nagpaalala: "'Wag kayong masyadong magpupuyat, kayong dalawa ha! Muye, 'wag mong kalimutan bukas, meron kang…"

"Oo na, oo na!"'di siya masyadong pinansin ni Jiang Muye at kinaladkad paloob si Ning Xi na parang magnanakaw na naglaho sa isang iglap.

Lei Ming: "…" Alam na niyang 'di maagang magigising ang dalawa kinabukasan…

Pagkapasok, hinila ni Jiang Muye isa isa ang mga daliri niya na parang naghahanda sa isang gera. "'Wag kang makinig kay Lei Ming, Ning Xiao Xi, kailangan mo 'kong labanan ng 300 rounds ngayon! Tignan natin kung 'di kita i-torture hanggat kaya ko!"

Tinignan siya ni Ning Xi nang may paghahamak. "Hehe, asa ka! Natalo na kita dati, lakas pa talaga ng loob mong sabihin 'yan! Mag-mamakaawa kang tawagin akong lola!"

"Asa ka rin! Ikaw ang tatawag sa'kin na grandpa!" naghalungkat si Jiang Muye sa travel case na dala niya at may hinanap. "May dinala akong latest equipment galing abroad, 'di mo naman ako kailangang pasalamatan!"

Habang nagsasalita, tinignan niya si Ning Xi nang parang may kirot. "Pwede bang alisin mo na 'yang makeup mo? Ang sakit sa mata! Gusto mo 'yang gamitin para babaan ang fighting strength ko ah? Nakakahiya! Sinasabi ko sa'yo, 'pag natalo ako, 'di ko aaminin!"

"Babaan ka diyan, ako nga 'tong kailangan babaan 'yung sarili ko, tingin mo nag-eenjoy akong mukha akong ganito?" marahas na inalis ni Ning Xi ang mabigat na wig at niluwagan ang suot niya. Kung tutuusin, pareho lang naman silang talo sa sitwasyon kanina.

Binuksan na ni Jiang Muye ang mega-screen TV sa sala at nagkabit ng mga cable. "May mga damit ako sa kwarto, maghanap ka na lang dun ng susuotin mo! Dali, dali! 'Di na makatiis 'tong battle soul ko!"

"…" Walang masabi si Ning Xi sa excitement ni Jiang Muye.

'Yung ibang mga lalaki, maghahanap ng hook up pagbalik mula abroad, pero itong lalaking 'to, kinaladkad talaga siya sa lugar na 'to para makipaglaro lang ng video games buong gabi! Parang sira!

Related Books

Popular novel hashtag