Chapter 539: Girlfriend Sa Loob Ng Kalahating Araw
Nang si Ning Xi na naman ang taya sa ikatlong pagkakataon, hindi na truth ang pinili niya. "Dare."
Kung itutuloy niyang piliin ang truth, hindi na hahayaan ni Small Qiao na simple ang mga tanong. Sinong nakakaalam kung anong klaseng mga tanong na ang mayroon siya ngayon?
Kung wala dito ang demonyo, hindi siya magdadalawang isip pang sagutin ang kahit anong tanong. Pero nakaupo ang demonyo sa sulok at hindi niya sinubukang lumagpas sa limitasyon.
Kahit nakapirmi lang si Lu Tingxiao sa sulok na parang di nakikitang wallflower, ramdam ni Ning Xi ang presensya nito buong gabi at ramdam niya kung gaano katulis ang mga titig nito...
Hmm, ang isang taong nagseselos kay Gong Shangze ay hindi magseselos sa mga babaeng ito, 'di ba?
Dismayado si Small Qiao nang piliin ni Ning Xi ang dare dahil nakahanda na ang mga tanong niya sa utak niya. Buti na lang ay mayroon siyang nakatagong alternatibo!