Chapter 532: Ang Engradeng Pagpasok...
Sa kabilang banda, iniisip ni Lu Jingli ang pagdating ni Xiao Xi Xi. Nag-aalala sya dahil baka may makita ito na hindi niya dapat makita. Sa sobrang pagkabalisa niya, nawala na siya sa mood para makipaglandian sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kapatid niya at sinabi, "Bro, tingin mo ba dapat nating sabihan si hipag na 'wag nang pumunta?"
Ang mga mahahabang daliri ni Lu Tingxiao at tinapik ang braso ng upuan bago sumagot, "Nasa daan na siguro 'yun. Itetext ko na lang siya mamaya na pumunta na lang sa bahay ko."
Hindi siya pwedeng magbakasakali. Tumayo at nagmukhang malapit nang umalis.