Chapter 529: Parang Nahulog Siya Sa Patibong
Sa Regal Riveria Hotel.
Pagkabalik nila sa apartment, nag-alala si Ning Xi.
Tiyak na puno ng mga tao mula sa kanilang circle ang nasa party ni Lu Jingli. Malamang ay naroon din ang mga kakilala ni Lu Tingxiao. Bilang boss ng Glory World, malamang ay may mga tao din mula sa entertainment circle...
Kung siya lang mag-isa, pupunta siya. Sa labas, mukhang isa siyang artista na personal na pinili ni Lu Jingli kaya normal lang na pumunta siya at suportahan ito. Pero, kasama niya rin si Little Treasure. Isa pa, pupunta din si Lu Tingxiao at kapag magkasama silang tatlo, hindi magmumukhang tama.
Bakit pakiramdam niya ang naghulog siya sa patibong ni Lu Jingli?
Bwisit, parang oo nga...
Pfft! Sa IQ ni Lu Jingli, nahulog nga siya dito...
Imposible!!!