Chapter 522: Asawa Ko, Ang Hirap Mag-alaga Ng Bata
Natapos agad ng little bun ang kanyang sinusulat at tumakbo sa kanyang tatay para ipakita: [Bakit hindi pa ako sinusundo ni Aunty Xiao Xi?]
Tinignan ni Lu Tingxiao ang pisara at sinabi, "Busy pa siya."
Tinuloy ng little bun ang pagsusulat: [Dahil ba ayaw na sa'kin ni Aunty Xiao Xi?]
Sumagot si Lu Tingxiao, "Masyado kang nag-aalala."
Little bun: [Eh di bakit hindi pa niya ako sinusundo?]
Sumagot muli si Lu Tingxiao, "Hindi ko alam, itetext ko siya para tanungin."
Little bun: [Ayokong istorbohin si Aunty Xiao Xi! Gusto ba talaga ako ni Aunty Xiao Xi?]
Hindi agad nakasagot si Lu Tingxiao. Napangiti siya at napatingin sa gabundok na trabaho sa harap niya. Nag-aalala ang batang tungkol sa pagistorbo kay Aunty Xiao Xi niya, pero hindi siya takot na maistorbo ang sarili niyang ama ngayon?