Chapter 521
Biglang may naisip si Ning Xi na sa tingin niya ay kakaiba, ""Eh, Xhangze, bakit kanina lang, noong dumaan sila, tumingin naman sa'tin si Dai Wei pero parang hindi ka niya nakilala?"
Sa oras iyon, nawala ang lungkot sa mukha ni Gong Shangze. Nang marinig niya ang tanong ni Ning Xi, namula ang kanyang mga pisngi, "Ah, eh kasi dahil ako ang fashion designer, binigay ko lahat ng networking kay Dai Wei kasi ginagawa ko 'yung mga designs ko araw-araw. Dahil doon, 'di ako nag-aayos ng sarili, wala rin kasi akong pakielam sa itsura ko. Kaya kahit bago pa ako magsimulang mamalimos, hindi na maganda ang image ko...
"Pfft...kaya naman pala! Naiiba ka talaga sa mga tao sa fashion design industry!" pagtawa ni Ning Xi.
Isipin mo, isang fashion designer na hindi iniisip ang itsura ng sarili! Isa pa, pinahirapan niya ang sarili niyang mamalimos...