Chapter 520: Buti Na Lang, Dumating Siya
Pinindot ni Ning Xi ang doorbell ng hotel room.
Pagkatunog ng bell, agad na bumukas ang pinto.
Ang binatang nagbukas ng pinto ay mukha balisa at kinakabahan, hindi naitago ang kanyang pagkasabik. "Boss! Nandito ka!"
Nang makita niya si Ning Xi, medyo gumaan ang pakiramdam ni Gong Shangze.
Biglaan din naman kasi ang pagdating ni Ning Xi sa Los Angeles. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Takot na baka magising siya at malamang panaginip lang ang lahat. Pagkagising niya noong umaga, inabangan niya agad ang pagbisita ni Ning Xi. Natakot siya na baka hindi na ito bumalik o baka naman may mali siyang nagawa na pinagsisihan ni Ning Xi at nagpabago sa kanyang isip. Natatakot siya na mahulog ulit sa balon ng kawalan ng pag-asa at matinding kalungkutan...
Buti na lang, narito na siya.
Tiningnan ni Ning Xi ang nakagayak nang si Gong Shangze, "Ready ka na? Tara na pala."
"Mmm, tara!"