Chapter 518: Ang Gwapo Ni Little Master, Sobrang Cute
Bumalik si Ning Xi sa kanyang pag-iisip at naalala na tanghali na, "Ah, Lu Tingxiao, malapit ka nang mahuli sa trabaho, hindi ba?"
"Maaga pa naman, hindi mo ba hahanapan ng lugar si Gong Shangze? Mayroon na akong nakitang mga luhar. Ito para ma-check mo." Inabot ni Lu Tingxiao sa kanya ang isang folder.
"Ang bilis ah!" namangha si Ning Xi sa husay ng demonyo.
"Hindi naman matagal gawin 'yan." Palagi siyang nasa taas ng priyoridad nito; Siyempre, magiging mabilis siya.
"Maraming salamat!" Gumaan ang loob ni Ning Xi nang makita niyang may mga analysis at comparisons pa ang file.
Tinignan niya si little bun at medyo nahiya. "Uh...magtitingin ako ng mga bahay ngayon, anong pwedeng gawin ng little bun? Okay lang sana kung mabilis lang ako, kaso marami akong titignan na lugar ngayon. Mahihirapan siyang sumunod sa'kin!"