Chapter 505: Isang Napakagandang Boses
Sa isang tensyonadong sala, ang 'di inaasahang boses ng isang kaibig-ibig at inaantok na bata na kayang magpalambot ng puso ay tila isang maliwanag na tunog sa isang napakatahimik na oras.
Ang natira na lamang sa malungkot na mukha ni Lu Chongshan ay isang blangkong ekspresyon. Nanlaki ang mga mata ni Yan Ruyi...
Kahit si Lu Tingxiao, na kalmado sa sitwasyong ito, ay nagulat. Nanigas siya sa kinakatayuan habang yakap ang bata. Rinig pa rin ang boses sa kanyang tenga at kung hindi niya nararamdaman ang hininga ng bata, iisipin niyang ilusyon lang ang nangyari.
Matagal niyang hindi narinig ang boses nito at katulad ito ng kanyang naalala...
Akala niya'y hindi niya na ito maririnig kailan pa man...
Dahil ang lahat ay namangha, walang sino man ang nagsalita at ang lahat ng mga mata ay nakatitig kay Little Treasure. Ang kanilang mga tingin aybpunung puno ng ekspresyon ngunit walang salita ang lumalabas.