Chapter 503: No! Sa'kin Si Baby Little Treasure!
Inutusan ni Lu Chongshan ang butler, "Xing Wu, maghanda ka ng magandang regalo para sa kanya."
Ang mga salitang ito ay hindi lang para iparamdam sa kanya na siya ay isang bisita lamang kundi para na rin balewalain ang kahit anong relasyon. Isang aksyon na sinasabing wala na silang utang sa isa't isa pagkatapos nito.
Para sirain ang tulay matapos makadaan sa ilog, para itapon ang isang bagay na nagligtas sa buhay mo matapos mong gamitin...hindi pa ba halata kung anong nais niyang gawin?
Wala talagang pakielam si Ning Xi sa iniisip ni Lu Chongshan tubgkol sa kanya. Ang masakit ay ang isiping mawawalay na naman siya ulit sa bata at ramdam niya abg lungkot sa kanyang mga buto. Hindi niya namalayang mas humigpit ang yakap niya sa bata.
Hindi niya gustong umalis...
Ayaw niyang mawalay sa bata...