Chapter 479: Alam Kong Mahal Na Mahal Mo Ako
"Kakailanganin ko pa ba ang tulong mo kung pwede ko naman siyang tanungin?"
"Eh di tanungin mo ang First Senior Brother!" sagot ni Feng Xiaoxiao, gusto na niyang itulak ang problema palayo.
"Hindi niya sasabihin sa'kin 'yun! Third Senior Sister, please! Tulungan mo ako! Alam ko namang mahal na mahal mo ako!" pinagigting pa ni Ning Xi ang pagmamakaawa.
Hindi na siya natiis ni Feng Xiaoxiao, "Bwisit, kanino mo natutunan maging ganyan? Nagbago ka na rin ba ng ugali noong nagpalit ka ng damit? Kaya pala ayaw mong magsuot ng ganyan dati! Kung makita ka ng mga lalaki mula sa organisasyon, kakainin ka nila ng buhay!"
"Ginagawa ko lang 'to para sa'yo, Third Senior Sister!"
Wala nang magawa si Feng Xiaoxiao, "Sige na nga, talo na ako, tutulungan kita pero 'wag kang umasa masyado. Alam mo kung gaano kasikreto ang background noong tao. Isa pa, kailangan mo akong bigyan ng lead para makapagsimula ako."