Chapter 478: Sino Itong Little Bunny?
"Third Senior Sister, kahit di mo ako nakilala agad, hindi ka ba pamilyar sa fighting style ko?" tanong ni Ning Xi.
"Pamilyar kung paano ka umiwas sa'kin pero paano ko naman malalaman na kasama ka namin? Hindi ko naalalang ganyan ka kalamya!" mapagmataas na sambit ng babae.
Hindi na naipagtanggol ni Ning Xi ang kanyang sarili, kaya nagreklamo na lang siya, "Senior Sister, hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan?"
"Pilyong batang babae, ano bang mayroon sa'yo? Kahit naman malamya ka na eh kinaya mo pa rin depensahan ang sarili mo sa'kin, pero ang bilis mong sumuko ha. Ang pangit ng posture mo at ang hina ng mga tuhod mo. Hindi ka nagsanay ng isang taon, ano?! Kung nalaman ito ng Master, sira 'yang mga binti mo ngayon!" pagalit ni Feng Xiaoxiao.
Hinawakan ni Ning Xi ang kanyang ilong at malungkot na sinabi, "Masyado na kasi akong busy, wala na akong oras…"