Chapter 475: Lokong Lider
Nasurpresa si Ning Xi sa mga sinabi ng lalaki. Kapatid mo pala si Jeffrey ha...
Sa isang kisap ng mata, siniko ng babae ang mukha ng lalaki at pumalahaw ito sa sakit.
"Anong sabi mo kanina? Hindi ko narinig ng maayos?" tanong ni Ning Xi kay Lou na umuungol pa rin sa sakit.
"Ikaw...mangkukulam ka! Ang lakas ng loob mong sikuhan ako?!" Tinatakpan ni Lou ang kanyang namamagang mata at tumitig kay Ning Xi. Sinigawan niya ang mga tauhan sa likod niya. "Patayin niyo siya! Sa'kin siya mamayang gabi sa kama!"
Lahat ay kumilos matapos ang atungal ni Lou. Lahat sila ay nagulantang kung gaano kabilis na siniko ni Ning Xi at napatumba si Lou.
"Lou, gusto mo bang patayin namin siya o gusto mo ikama siya? Pwede mo pa ba siyang ikama kung patay na siya?" tanong ng isang kalbong lalaki na naguluhan.
"Tanga mo, Bardy! Gawin mo na lang!" galit na sigaw ni Lou.
Napapalibutan ni Bardy at ng iba pang tauhan si Ning Xi.