Chapter 474: Hindi Mo Gets Ang Mga Biro Ko
Pinatay ni Ning Xi ang phone at naisip na ang mga tao sa labas ay mga tauhan na tinutukoy ni Jeffrey.
Lumabas si Ning Xi para sundan ang mga ito pagkaalis nila.
Sa halip na maghintay lang sa bahay, gusto niyang malaman kung sino itong Jeffrey na ito na nagbayad sa mga B class assassins para patayin 'yung tao!
Dinala ni Ning Xi ang kanyang lucky charm at sinundan ang grupo ng mga foreigners.
Nakarating sila sa isang villa na nasa liblib na lugar matapos ang kalahating oras. Binabantayan ito ng ilang kalalakihan.
"Si Jeffrey kaya ang may-ari ng villa na ito?" Tanong ni Ning Xi sa sarili. Kung ito ang kanilang headquarters, mas tama nang wala muna siyang gawin ngayon.
Habang naghahanda si Ning Xi para umalis, nakita niya ang isang lalaking nasa singkuwenta anyos ang hinahabol palabas ng villa at tinulak sa sahig.