Chapter 441: Isang Kagiliw-giliw na Laro
Dire-diretsong naglakad nang matulin ang banyagang babae, pinapakita ng kanyang masikip na bodysuit ang kanyang balingkinitan at eleganteng katawan.
"Ikaw bruha, maglalakas ka ba ng loob para harapin ako nang walang baril? Itutumba kita ngayon!" sigaw ng tauhan ni Shi Xiao, tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo habang binibigyan siya ng lakas ng loob ng kanyang matapang na kaluluwa para harapin ang babae.
Tinumba siya ng babae nang ni walang isang salita..
Nagalit ang lalaki, habang naiisip niyang mamamatay lang din naman sila lahat. Ang tanging layuning tumatakbo sa kanyang isipan ngayon ay ang patumbahin ang babaeng ito.
Sumigaw ang lalaki at sinugod niya ang babae, itinass niya ang kanyang kamao para suntukin niya ito sa kanyang ulo.