Chapter 438: Could It Be Related To YS?
Kinabukasan.
Walang trabaho si Ning Xi, kaya naisipan niyang mag-jogging at bumili ng almusal niya.
Habang naglalakad pauwi, nakaramdam siya ng kakaiba.
Para bang may sumusunod sa kanya…
'Di siya nag-panic. Sa halip, kalmado siyang dumaan sa mga mas mahirap na daan para mailigaw ang stalker at makapagtago.
Maya-maya, may malaking anino sa harap ng walkway. Inorasan ni Ning Xi ang sarili para makasugod sa lalaki at sakyan ang likod niyto bago ilagay sa death grip ang mga braso nito, "Sino ka!?"
Umikot ang lalaki at nagulat si Ning Xi, "Ikaw nanaman?"
Siya 'yung lalaki kagabi, si Xiong Zhi.
Akala niya nilubayan na siya nito. Sino bang mag-aakalang babaguhin lang pala niya ang paraan ng pagbabantay niya…
Bumuntong hininga si Ning Xi, "'Di ba sabi ko 'di pa kami magsisimula ng shooting? Mga isa o dalawang buwan pa! Pwede ka pang mag-relax!"