Chapter 435: No Face Given
Pagkarinig sa sinabi ni Liang Biqin, nanginginig na sa takot ang may-ari ng Jade Treasury. Sinubukan niyang pigilan pa ang pagsasalita nito…
Saglit lamang tumingin kay Liang Biqin ang mama at itinuon ang pansin sa may-ari ng Jade Treasury. Kakaiba siya sa pagtrato niya kay Ning Xi kanina. Nakakaintimidate na ito at nawala ang pagiging magiliw sa boses niya. Nagtanong ito, "Bakit hindi ako nasabihan na aalisin ang display?"
'Di na kinaya ng may-ari at natameme na siya sa takot, "Manager Yu, hi…hindi po sa ganun…mali po 'yung iniisip niyo…'di po yun ang ibig sabihin…"
Nagulat ang grupo ni Su Yimo at Liang Biqin na makitang nanginginig sa takot ang may-ari.
Mas nagulat si Liang Biqin na pinagalitan ang mama kanina. "Manager…Yu…?"
Nagbago rin ang mukha ni Su Yimo. Yu ang apelyido niya…ibig sabihin…
Nagbulungan ang mga artista.
"Ano…itong empleyado…uh, hindi…siya 'yung manager?"
"Anong manager?"