Chapter 432: Out Of This World Flattery
Nang mapansin ang kaba nito, naramdaman ni Su Yimo na siya nakatataas kaya kalmado pa rin siya, "Hindi ako nagsasabi ng kung anu-ano sa kahit sino dahil lang sa intensyon, pero dahil masipag ka naman, siguradong mapapansin na 'yan ni CEO Lu."
Alam ng may-ari ng shop na gumana ang pakulo niya, kaya ngumiti lang siya at nagpasalamat. Pero sinubukan niya pa ring gawing mas memorable ang bisita ni Su Yimo, "Thank you, Ms. Su! Sa totoo lang po, marami pa kaming magagandang items ngayon sa shop. Kung 'di po kayo nagmamadali, ikot lang po kayo."
Bago pa makapagsalita si Su Yimo, sumagot na si Liang Biqin nang may panghahamak, "Nasira na ang mood namin. Ano pa bang makikita dito?"