Chapter 421: Natalo Ang Big Boss
Huminga nga malalim si Ning Xi, at sa maikling segundo na iyon, nagbago ang kanyang ekspresyon pati na rin ang atmosphere ng kapaligiran niya.
Matagal siyang nakayuko habang nakatayo sa harap ni Lu Tingxiao, hindi kumikilos at walang imik.
10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1...
Nagbilang siya sa kanyang puso.
Sa buong pangyayaring ito, pinanood ni Lu Tingxiao ang malungkot na kilos ng babae. Hindi kaya ng kanyang puso na makita itong dismayado, ngunit pinanatili pa rin niya ang kanyang seryosong ekspresyon, determinadong hindi matangay ng kalungkutan ng babae ang kanyang desisyon.
Sa susunod na sandali, inangat muli ni Ning Xi ang kanyang ulo, ang kanyang mga mata ay pulo at namamasa. May namumuong mga luha na pinipigilang tumulo.