Chapter 416: Paano Kapag Di Ko Mapigilan At Matisod
Para bang karaniwan lang ang sinabi ni Lu Tingxiao, hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Seryoso pa rin habang binubuksan niya ang browser, "Download mo na 'yung game."
"Oh, oh...ito na…" Agad na kinuha ni Ning Xi ang mouse.
Ngunit hindi pa inaalis ni Lu Tingxiao ang kamay nito sa mouse kaya't aksidenteng naghawak ang kanilang mga kamay, agad niyang inalis, "Sorry, sorry, sorry…"
Umupo siya ng maayos upang humingi ng tawad na naging sanhi ng pagtama ng kanyang ulo sa dibdib ni Lu Tingxiao...
Hindi na nakapagsalit pa si Ning Xi...
Hinawakan ni Lu Tingxiao ang ulo ni Ning Xi, at parang nahalata nito ang kanyang pagkabalisa, marahan niyang sinambit, "Hindi na kita gagambalain. Iche-check ko lang 'yung kitchen. Tawagin mo lang ako kung magkaproblema."
Tumango ng ilang beses si ning, "Okay, okay!"