Chapter 412: Ang Halik Sa Kanyang Tulog
Sa malaki at malambot na kama, may babaeng mahimbing na natutulog, ang kanyang pisngi ang mamulamula at ang kanyang itim na buhok ay nakapatong sa puting unan na nasa ilalim ng kanyang ulo...
Kumalma agad ang puso ni Lu Tingxiao, dahan-dahan siyang umupo sa gilig ng kama. Wala siyang ibang gustong gawin, gusto lamang niyang panoorin ang babaeng matulog...
Mmm, wala ba talagang gagawin?
Sa oras na ito, na may ganitong view...
Parang imposible 'yun...
Mula ng umalis siya sa Platinum Palace, kay tagal tagal, sobrang tagal na mula ng matitigan niya ang babae ng ganito kalapit.
Kay tagal na mula noong malapit sila sa isa't isa...
Kahit alam niyang hindi niya dapat gawin, nawala na ang kanyang pag-iisip at pagpigil dahil sa temptasyong mayroon ngayon.