Chapter 411: Kung Saan Natutulog Ang Demonyo?
Matapos niyang hubarin ang kanyang coat, pinulupot niya pataas ang kanyang mga manggas, "Baka matagalan 'to. Pwede ka munang magpahinga sa kabilang kwarto. Mukhang hindi ka okay, 'di ka ba nakatulog kagabi?"
Kinapa ni Ning Xi ang kanyang eye bags, "Na-excite kasi ako kagabi, nagbasa ako ng mga scripts magdamag…"
"Umidlip ka muna, gigisingin na lang kita kapag tapos na ako."
"Magtatrabaho si boss habang ako natutulog? Hindi okay tignan 'yun, ano?" Pakiramdam ni Ning Xi hindi tamang gawin 'yun.
Tinignan siya ni Lu Tingxiao, "Hindi mo rin naman ako matutulungan kahit gising ka pa, mas gagaan pakiramdam ko kapag natulog ka kahit sandali."
"Okay! Pupunta na ako!" Agad siyang naglakad palayo sa desk ng devil...nawala na ang control ng demonyo sa kanyang flirting aura...
Madaling pumunta si Ning Xi sa lounge area.