Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 37 - Pagpasok sa Pambabaeng CR para maghanap

Chapter 37 - Pagpasok sa Pambabaeng CR para maghanap

Chapter 37: Pagpasok sa Pambabaeng CR para maghanap

Sa loob ng sasakyan, malungkot na nakatitig si Little Treasure sa cellphone.

Inalis ni Lu Tingxiao ang seatbelt niya. "Papasok ako para hanapin siya, hintayin niyo 'ko rito."

Biglang hinila ni Little Treasure ang suot ng ama niya, parang nagsasabi na gusto niyang sumama.

Tinignan lang ni Lu Tingxiao ang anak. "Kung sakaling lasing siya, sinong bubuhatin ko, ikaw o siya?"

Sumimangot si Little Treasure sa 'di pagsang-ayon. 'Di niya kailangang magpabuhat.

Nandilim ang mukha ni Lu Tingxiao. "Sayang, kasi pagtapos ng nangyari nitong huli, nawalan ako ng tiwala sa'yo. 'Di ako naniniwalang kaya mong alagaan ang sarili mo. If it happens again, even I cannot handle the consequences. Naiintindihan mo ba?"

Napayuko na lang si Little Treasure sa pagkaka-reject.

Nang mapansing naging masyado nanaman siyang malupit, hinaplos niya ang ulo ng anak at ginulo ang buhok nito. "Babalik ako agad."

"Mr. Zhang, paki-drive ng sasakyan papuntang underground parking."

"Opo, Young Master."

Sa ilalim ng pagtitig ng maraming taong nasa hotel entrance, bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang isang lalaki.

Nakasuot siya ng suit na kulay steel grey at ang katawan niya ay kahawig ng mga makinis na estatwa at nagpaparating ng matinding pressure.

"Ah – si Lu…Lu Tingxiao ahhhh! Kanina lang iniisip natin kung sinong diyos ng kayamanan ang lalabas, eh 'yung diyos ng kayamanan naman pala talaga ang nandoon! Sino pa nga ba bukod sa kanya ang makakapagdala ng ganyan ka-garang sasakyan! Kumpara kay master Xiao, walang sinabi ang Su family!"

"Diyos ko, hawakan mo nga ako. Nakaka-shock naman, baka himatayin ako… isang beses ko lang siya nakita sa magazine, sinong mag-aakalang makikita ko pala siya sa personal sa pagpunta ko ngayon! Gusto ko magpa-autograph! Pirma ka sa panty ko!"

"Kahit 'yung mga sikat na naggagandahan at naggagwapuhang mga artista talagang mapapaluhod pa sa harap ni Master Xiao. Kapag pinasok niya rin ang entertainment, sino pang mag-aabala sa mga pipitsuging 'yun!"

"Asa ka, sobrang swerte na ng taong makakakita sa kanya in person kahit ganito kalayo 'no, tapos gusto mo pa siyang mag-artista, ano, para titigan siya araw-araw?"

Kahit nang makapasok na ang lalaki sa hotel, ang kumpol ng taong nasa may entrance ay 'di pa rin naghihiwa-hiwalay at patuloy pang nagchichismisan.

"Never naman pumunta si Big Boss Lu kahit saan nang walang prior announcement. Bakit kaya mag-isa siyang nagpunta ngayon sa hotel ng ganitong oras? Ano kayang ipinunta niya?"

"Who knows, eh 'di naman siya pumunta dito para maghanap ng babae!"

"Sayang 'no? Sobrang outstanding man siya pero 'di siya masyadong malapit sa babae! Bakit kaya ganun sa tingin mo?"

"Kasi lalaki ang gusto niya!"

"Imposible, kung lalaki ang gusto niya, sa'n galing 'yung anak niya? Tingin ko, sentimental na tao si Master Xiao tapos 'di pa siya nakaka-move on sa nanay ng anak niya. Mahal na mahal siguro niya 'yun kaya hanggang ngayon wala siyang nagiging babae!"

Pag-akyat ni Lu Tingxiao sa pinakamataas na palapag ng hotel, napansin niyang nakaalis na lahat ng cast at crew. 'Yung kumpol ng mga tao na lang sa labas ang maaaring huling batch na nandito pero 'di niya pa rin nakikita si Ning Xi.

Tumuloy siya sa hallway at sinubukang hanapin si Ning Xi sabay tawag muli sa number nito.

'Di niya pa rin sinasagot.

Nang dumaan siya sa CR, tumigil siya saglit. Mula sa CR, naririnig niya ang mahinang tunog ng ringtone ni Ning Xi.

Tumayo siya at nakinig saglit nang mapagtanto niya na nanggagaling sa pambabaend CR ang tunog.

Pinatay niya ang tawag at tumigil din ang tunog mula sa pambabaeng CR.

Nakahinga siya nang maluwag matapos malaman kung nasaan ang hinahanap niya bago nagsalubong ang kilay niya.

Wala siyang choice kun'di pumasok sa women's restroom para hanapin si Ning Xi.

Ang lakas ng tunog ng cellphone niya pero wala man lang siyang reaksyon. Mukhang lasing talaga siya.

"Ning Xi?"

Sinubukan niyang tawagin pero walang sagot.

Nakatayo lang siya sa pagitan ng panlalaki at pambabaeng CR at napakurot sa pagitan ng kilay niya. 'Yung mukha niya, tulad ng mukha niya habang pinaghihirapan ang isang 10 billion yuan deal.

Ilang saglit lang at naglakad na rin papuntang women's restroom ang mahahabang binti ni Lu Tingxiao.