Chapter 336: Tender Or Cherishing
Naiinip na hinarap ni Guo Qisheng si Fang Ya, "'Di nanggaling sa acting school si Xiaoqi. Magaling nang maituturing 'yung performance niya kanina!"
Nakita niyang 'di pa rin kumbinsido si Fang Ya kaya nagpatuloy ito, "Mamaya, pakigalingan din sa eksena niyo ni Xiaoqi. Nakaksunod lang siya kung focused ka rin, naiintindihan mo?"
"Direk, siya 'yun…" Naffrustrate na si Fang Ya. Kasalanan niya pa ngayon na masama ang acting skills ni Guan Xiaoqi?
Bigla ring nagbago ang ugali ng lahat sa paligid. "Mukhang tama nga si direk, sa una akala natin si Guan Xiaoqi ang may mali, pero kung iisipin may problema din si Fang Ya!"
"Siya nga naman! Kung hindi, pa'no nga ba naman makakabuo ng one shot take si Guan Xiaoqi kasama si Ning Xi!"
"'Di nga magaling si Guan Xiaoqi umarte pero kahit naman si Fang Ya. Para tuloy 'yung linyang 'the pot calling the kettle black'!"
…