Chapter 335: What Has Gotten Into Her?
Background: Cold Palace[1]
Characters: Meng Changge, Princess Xian
Sa nasirang palasyo, nakaupo si Ning Xi sa malawak at malaking upuan habang mababa at mapanghusga ang mga mata niya. Samantalang si Guan Xiaoqi naman ay puno ng galit at kahihiyan.
Napansin 'yun ni Guo Qisheng at nabawasan ang kunot ng noo niya. Eh? Mukhang maayos 'yung…ekspresyon ni Guan Xiaoqi!
Sa sumunod na pagkakataon, tinignan siya ng masam ni Ning Xi na para bang nakatingin ito sa bangkay, "Princess Xian, alam mo ba kung makit kita kinamumuhian? Kung bakit gusto kong maubos 'yung pagkakataon mo para mabuhay?"
Nang matapos ang mga linya ni Ning Xi, nagsalubong ang mga kilay ni Guo Qishengat handa na siyang pigilin ang eksena pagkatapos ng unang linya ni Guan Xiaoqi. Kaswal lang ding ginagalaw ng cameraman ang equipment niya.