Chapter 334: Rearranging Scenes
Ang bilis ng panahon at natapos na ang 20 minuto.
Bumalik si Ning Xi sa resting area. Itinuloy nina Guan Xiaoqi at Fang Ya ang shooting pero masama pa rin ang kinalabasan nito…
Tahimik na lumapit si Ning Xi sa direktor na parang gusto nang iuntog ang sarili niya sa camera. Nagsalita si Ning Xi, "Direk, may sasabihin po sana ako."
Tumalikod si Guo Qisheng, "Oh, Ning Xi, ano 'yun? Sabihin mo lang!"
Nag-isip si Ning Xi saglit at nagsalita, "May gagawin po kasi ako mamaya 'di ko na po magagawa sa ibang araw. Pwede po bang agahan natin 'yung pagshoot ng eksena namin ni Guan Xiaoqi?"
"Uh…" Mukhang nag-alala si Guo Qisheng, "Well, nakikita mo naman kung gaano kalala ang acting ni Guan Xiaoqi at mas mahirap pa 'yung eksena niyong dalawa…"
"Okay lang po, direk, subukan lang natin! Baka nahihirapan po siya sa eksenang 'yan. Baka sakali pong mas okay kung palitan muna natin 'yung eksena?" mungkahi ni Ning Xi.