Chapter 330: The Master Is Back
Walang masabi at gulat na gulat sina Lu Chongshan at Yan Ruyi sa harap ng monitor screen. 'Di nila alam kung pa'no ilalarawan ang nararamdaman nila sa oras na 'yun…
Nangako si Little Treasure…
Nangako talaga si Little Treasure na papasok siya sa school…ibig sabihin pumayag na si Little Treasure na gawin ang unang hakbang para maging normal na bata!
Sobrang excited si Yan Ruyi, "Chongshan, nakita mo 'yun? Nangako si Little Treasure na papasok na siya sa school! Magandang balita 'to! 'Di ako makapaniwala!"
"Oo! Pumayag ang apo natin na pumasok sa school!" Bumuntong hininga si Lu Chongshan, "Kahit na sinubukan nating kumbinsihin siya nang matagal, kahit ano pang paraan ang gawin natin, kailangan lang palang magsabi ng ilang mga salita ng babae na 'yun para baguhin ang isip ng apo natin…"