Chapter 324:I Miss Her Too
Kinuha ni Su Yimo ang gift box, sinilip saglit, at nagsalita nang may pangmamata, "Gusto niyang makipagtulungan? Karapat dapat ba siya?"
May mayaman at mataas namang lalaking pumoprotekta sa kanya at back up niya, 'di na niya kailangan makipagtulungan sa iba.
Alam ni Zhao Meixin ang iniisip ni Su Yimo at lalo pa itong hinikayat, "Karapat-dapat man o hindi, hindi si Ning Xueluo 'yung mahalaga dito kundi 'yung impluwnsiya sa likod niya. Meron siyang Ning family na sumusuporta sa kanya pati 'yun boyfriend niya na si Su Yan, kaya 'di dapat maliitin 'yung kapangyarihan niya.
"Alam mo naman na nasa Su family ang limelight ngayon sa Imperial at syempre gusto ng lahat na maging kasundo nila. Magandang pagkakataon 'to ngayon, wala namang mawawala kung gagawa ka ng pabor para kay Ning Xueluo!"