Chapter 315: Cheap Flea Item
Nakaraos na rin ang lahat mula sa pagkagulat nila nang makita ang kakaibang damit.
Hinawakan ni Fang Ya ang damit at mukhang namangha habang nakatayo sa harap ng wardrobe ni Ning Xi. Bumulong siya sa sarili dahil sa gulat, "Paano nangyari 'to…imposible…"
Nagtinginan ang lahat nang may halong pagdududa, "Baka…baka peke 'yan…pa'no naman magkakaron ng ganyan ka-high end na damit si Ning Xi?"
"Nagbibiro ka ba? Halata namang mamahalin at mukhang aabot pa ng daan daang libo!"
"Sobrang ganda! Pwede na 'kong mamatay nang walang pinagsisisihan kung maisuot ko lang yan ng isang beses!" sabib ng isang babae mula sa grupo na 'di nakapagpigil ipakita ang paghanga.
Nang iangat naman ni Fang Ya ang isang bahagi g damit, nagsalita siya muli nang may halong panghahamak, "Hah, sa unang tingin mukha ngang maganda. Pero kung titignan ng mabuti, 'di ba mukhang ang plain lang din naman?"