Chapter 282: Ang Problema Ng Puso Ay Dapat Maresolba
Aksidente na naman niyang pinalungkot si Little Treasure…"Go,go,go! Lahat ay umalis! Wala kayong kwenta! Bakit ko pa ba kayo tinawag dito? Kung hindi naman kayo makakapagisip ng pwedeng magpasaya kay Little Treasure, walang lalabas para maghapunan!" Aligaga na si Nanay Lu ng palayasin niya si Lu Tingxiao, Lu Jingli, Qin Mufeng, at Tatay Lu palabas ng kwarto. Sa mga sumunod na araw, sinubukan ng lahat sa Lu household ang kanilang swerte ngunit wala pa ring makapagpasaya kay Little Treasure. Sa halip, nakita nila itong mas maging malungkot pagkalipas ng mga araw.