Chapter 245: Pag-amin na ba 'to?
Pagkakita sa malaking white lilies, napakurap na lang si Ning Xi sa pagkatuliro at kusang tinanggap.
Tapos nito, nagsipasok isa-isa ang mga waiter upang maglatag ng tablecloth at maglagay ng mga candlesticks. Sa loob ng maikling limang minuto, nakapag-setup na sila ng isang kahanga-hanga at kakaibang candlelight dinner. Yumuko sila nang matapos at umalis rin ang mga sinanay na waiters.
Ito pala ang ibig sabihin ni Lu Tingxiao sa pagkain na lang nila dito.
Akala niya magluluto siya dito at dito rin kakain sa bahay niya!
Wala siyang kamalay-malay!!!
Kanina lang ay nakita niyang may nakaburdang "Red Chamber" sa mga uniporme ng mga waiter. Pinakasikat na private restaurant sa aristocratic circle ng B City ang Red Chamber. Isang table lang sa isang araw ang ipinagluluto nila at nakalinya ang mga reservation hanngang sa susunod na taon.