Chapter 224: Kalaban Sa Makitid na Kalsada
Walang dahilan para saangin niya ang kalahating buwan na bakasyon. Sa sumunod na araw, inilabas din ni Ning Xi si Little Treasure para magsaya.
"Miss Xiao Xi,gusto mo pa bang antayin ang nakatatandang Young Master mula sa trabaho bago kayo umalis dalawa?" Hindi na kinaya ng matandang mayordomo, kaya kaagad niya itong kinausap na parang matchmaker.
Napakamot sa ulo si Ning Xi. "Hindi na po siguro… masyado siyang busy! Kaya na naming dalawa!"
Sinadya niya sa oras na wala si Lu Tingxiao, walang paraan para antayin pa niya ito mula sa trabaho…
"Kung ganon, hayaan mong sumunod sila sa inyo. Ito ang tagubilin sa amin ng pinakamatandang Young Master, hindi naming maaaraing ipagwalang bahala ang kaligtasan ni Little Young Master." Sumenyas ang matandang mayordomo sa tatlong bodyguard na nakasuot ng itim na damit at salamin.
May katwiran naman ang kanyang hiling…
Syempre papaya na laman si Ning Xi.