Chapter 221: Sino Ba Ang Ka-date Mo
Pagsapit ng gabi.
Matapos kumalma ang paghingan ng babae, bumukas ang mga mata ng lalaki na para bang malinaw at malamig na lawa.
Sa ilalaim ng liwanag ng buwan, tahimik niyang tinitingnan ang mapayapang mukha ng babae, at dahan-dahang hinalikan ang mga labi nito.
Mula pa nang una niya itong makita, gusto na niya itong ikulong sa bahay at dalhin sa kwarto, para hindi siya makarating kung saan, at walang makakita sa kanya; ang lalaki lamang ang maaaring tumingin sa kanya, at siya lamang din ang mamaaring tingnan ng babae…
Kahit siya sa sarili niya ay hindi makapaniwala kung paano niya nagawang tiisin ang lahat hanggang ngayon.
Matapos ang mababaw na halik, sinikwat ng lalagi ang mga labi ng babae, at pinilit ipulupot ang kanyang labi sa mga labi nito, hanggang magkamalay at halos magising sa kawalan ng hangin…