Chapter 218: Pwede niyang gawin kung anong gusto niya
Agad na ibinaba ni Ning Xi ang cellphone niya at pinigilan ang paghinga; 'di naman siya naalarma o naalerto, sa halip, kinakabahan.
Nakilala niya ang mga hakbang ni Lu Tingxiao.
Bakit naman pupunta sa kwarto niya si Lu Tingxiao nang ganitong oras?
Alas tres na ng umaga!
Ang nakakapagtaka pa, kadalasan namang 'di pumapasok si Lu Tingxiao nang 'di kumakatok…
Habang ubod na naguguluhan si Ning Xi, lumapit sa tabi ng kama niya ang pamilyar na katawan.
Wala siyang ilaw na nakabukas sa kwarto niya at wala ring maliwanag na buwan ngayon kaya sobrang dilim sa kwarto kaya malabong anino lang ang naaaninag niya.
Tahimik na nakatayo lang ang anino at 'di gumagalaw.
Parang nasa lalamunan na ang puso ni Ning Xi. Gagawa na sana siya ng ingay para mabasag ang nakakapanghinang katahimikan nang may napagtanto siya at may nabuong ideya sa utak niya.
Sleepwalker si Lu Tingxiao!