Chapter 213: Mas mabuti kung pipiliin si Lu Jingli
Masakit na kinurot ni Ning Xi ang pagitan ng mga kilay niya. "Mas matimbang ang buhay ng tao sa kahit ano pang bagay. Kailangan kong pumunta! Pa'no kung kakilala ko nga siya! Pero pa'no si Little Treasure…"
Bago pa niya ituloy ang sasabihin, mahigpit na kumapit si Little Treasure sa leeg ni Ning Xi, na para bang pagkatapos siyang makitang nakabalik muli, ay ayaw na nitong mawalay pa sa dalaga.
Hindi bibitaw si Little Treasure kahit ano'ng mangyari, kaya kailangan siyang isama ni Ning Xi.
Gustong sumunod ni Little Treasure kay Ning Xi kaya naman syempre kailangan din sumama ni Lu Tingxiao.
Masiglang nag-volunteer naman si Lu Jingli na ipagmaneho sila.
Nakita ni Jiang Muye na mukhang handang handa nga ang tatlong myembro ng Lu family kaya napagdesisyunan niya ring makisiksik sa kotse..
Ang resulta: lahat sila sumama kay Ning Xi.
Wala siyang masabi.