Chapter 2034: Ang Kaawa-awa Kong Paningin
Nagbihis si Ning Xi at dahan dahang bumaba ng hagdanan.
Mula sa malayo ay nakita niya si Little Treasure na inaalagaan ang batang tigre habang may isang tao ang may hawak ng pahayagan sa kanyang mga kamay. Siya ay nakasuot ng pambahay habang nakayuko, nakaupo siya sa upuang gawa sa rattan sa ilalim ng kahon ng mga bulaklak sa gawi ng isang imortal na walang bakas ng pagiging ordinaryo.
Sumugod si Ning Xi at galit na tumitig sa kanya.
Biglang napalunok si Lu Tingxiao sa ginawa ng kanyang asawa na ang mata nito ay parang nag-aapoy sa galit. Ibinaba niya ang dyaryo at hinatak niya ito. Inumpisahan niyang masahihin ito ng kanyang malapad na palad ang nananakit ibabang likod. "Anong problema?"
"Itaas mo ng konti ang masahe!" Sinabi ni Ning Xi ng pagalit, "Nakuha mo pang magtanong? Sinabi ko na sa iyo na mayroon akong gagawin ngayon!"
"Ginawa ko lang ito ng isang beses."