Chapter 2032: Nakilala Ko Ang Aking Ina Dahil Sa Tadhana
Sa Deer Town.
"Ah, ano ang Gagawin ko? Nagsusuka na naman siya!"Hawak ni Ning Xi ang bote sa isang kamay at ang batang tigre naman sa kabilang kamay.
Nagwawala rin naman si Little Treasure. Halos mapaiyak siya sa nakikita nyang paghihirap ng tigre.
Napakurot si Lu Tingxiao sa pagitan ng kanyang mga kilay. "Hayaan mo ako ang gumawa.
Marahan nyang kinuha ang batang tigre at tinapik tapik sa likod, pagkatapos nagbago siya ng pwesto habang pinapakain nya ito.
Sa pagkakataong ito, ang puting batang tigre ay maayos na uminom ng gatas.
Nakakatuwa naman!
Namangha si Ning Xi. "Darling, napakain mo na ba si Little Treasure ng ganyan noong siya ay maliit pa?"
Bago makasagot si Lu Tingxiao, Si Little Treasure ay umiling. "Hindi niya ako pinainom ng gatas."
Tumawa si Ning Xi. "Paano mo nalaman? Natatandaan mo ba ang mga nangyari noong ikaw ay bata pa?"