Chapter 2013: Dogfight
Kinahaharap niya ang mga matatalas na katanungan at mga mapanghusgang titig mula sa lahat pero hindi nagpatinag si Ning Xi. Tinitigan niya silang lahat gamit ang kanyang malamig na mga mata saka humina ang mga boses sa paligid. Sinabi ni Ning Xi, "Isang charity dinner na inorganisa ng LA ang event ngayon. Hindi ko ito personal press conference. Kung may mga tanong kayo, sasagutin ko na lang pagkatapos ng event. Pakiusap ay wag niyong guluhin ang event. Salamat."
Nadismaya ang mga tao sa naging sagot ni Ning Xi.
Walang nasabi ang mga reporters sa maayos na sagot ni Ning Xi pero kailangan na nilang umatras ngayon.
Nangako siya na sasagutin niya ang mga tanong pagkatapos ng event. Hindi nila ito papalampasin.
Nang makita nilang pinatagal ni Ning Xi ang issue, kinutya na naman siya ng mga babae sa paligid ni Han Zixuan. "Nagpapanggap pa siyang matibay ngayon!"