Chapter 1982: Kumbinsihin Ang Master Para Maging Bodyguard
Dati, takot si Ning Xi na masyadong mag-aalala si Lu Tingxiao sa stalker, kaya hindi niya sinabi.
Pero ngayon, may pumasok sa Deer Town at pumasok sa bahay nila.
Mabuti na lang at nandoon ang puting tigre ni Han Xiao. Kung hindi, kahit kaya nila ni Lu Tingxiao ang dalawang tao, nandoon din si Little Treasure. Kung magkamali lang sila nang kaunti, hindi niya kayang isipin kung ano mangyayari.
Habang nandoon ang puting tigre, walang magiging problema para sa ngayon.
"'Wag ka mag-alala, tatawagin ko si Tang Lang. Mabuti siguro kung hindi ka muna aalis ng bahay the next few days," sabi ni Lu Tingxiao.
Tumango si Ning Xi. "Mmm, ipadala mo si Little Treasure sa dati nating bahay! Ikaw din, mag-ingat ka!"
Halatang nandoon ang target ng kalaban nila. Baka madamay si Lu Tingxiao.
"Okay."
…