Chapter 1957: Hindi Masyadong Logical
Noong una, gusto tanungin ni Ning Xi ang dalawang namatay kung sino ang nagplano, pero si Han Xiao…
Hindi man lang siya kumurap noong pinatay niya. Nagbiro pa siya at may mantika raw ang kamay niya… Sino niloloko niya?
May alam ba siya?
"Silang dalawa… Bawat isa ibig sabihin isang family bucket. Dalawang tao, dalawang buckets. Yun lang," sabi ni Han Xiao.
Hindi nakaimik si Ning Xi. Hindi niya napigilan maawa sa dalawang assassin. Sa mga mata ni Han Xiao, kasing halaga lang ng buhay nila ang isang family bucket.
Hindi man lang luxury family bucket.
"Sure, sure, sure, ililibre kita ng two hundred buckets. Papanoorin kita kumain." Hindi alam ni Ning Xi ang gagawin niya. Minsan sobrang baliw ni Han Xiao nakakatakot siya, at minsan parang bata siya na hindi kayang tumanda.
"Ha… Sabi mo yan ha, pero hindi ako libre ngayong gabi. May date ako. Hahanapin kita."