Chapter 1925: Nagtanggal Ng Butones
Lahat ng performance ay may time limit. Ang bawat guest ay may 10 to 15 minutes, pero dahil pinagsama ang performance nina Ning Xi at Jiang Muye, nagkaroon sila ng kalahating oras ng stage time.
Ginawa nilang simple ang show para mas madaling maintindihan, at dahil sa perpektong synergy ng tatlo, ang kalahating oras na show ay napakasaya para sa audience.
Hanggang sa dulo, gusto pa rin manood ng mga tao.
Habang bumababa ang tatlo sa stage, nakatitig pa rin ang lahat sa kanila, lalo na kay Ning Xi.
"Salamat sa tatlo para sa napakahusay na performance. Para sa inyong nasa harap ng TV at sa live stream sites, don't go away! May mga performances pa tayo, pero hindi ko sasabihin kung sino susunod! May makakahula kaya kung sino ang sunod na magpe-perform?"