Chapter 1898: Bagay Ang Status
Kaya, kahit seryoso ang itsura ni Su Hongguang, gumaan ang loob niya.
"Malaking bagay 'to. Kailangan meron kang valid na reason, ano ginawa ni Xueluo na mali?"
Humigpit ang mga kamao ni Su Yan. "Hindi… Hindi nagkamali si Xueluo. Ako ang may kasalanan. Masyadong malaki ang utang na loob ko sa isang tao…"
Kuminang ang mga mata ni Su Hongguang. "Yung tao… Na sinasabi mo… yung babae, si Ning Xi?"
Tumango si Su yan. "Father, alam mo naman kung ano nangyari sa amin ni Ning Xi. Noon, kahit anong nangyari, ako ang unang nagtaksil sa kanya, kay naiwan siyang mag-isa para magdusa. Nalaman ko rin na sa nakaraang taon, mali ang naisip nating lahat sa kanya. Hindi siya kasing sama tulad ng sinasabi ng mga tsismis. Alam mo naman yun, yung sabi na ginawa raw siyang mistress. Nagkaroon siya ng car accident at na-coma, kaya nasa kama lang siya nang isang buong taon…"
So, yun pala ang nangyari…