Chapter 1892: Kung Sino Talaga Ang Mahal Ko
Nang marinig ito ni Ning Xi, nagbago ang ekspresyon ni Ning Xi.
Akala niya mali ang pagkakarinig niya.
Magsimula… ulit?
Hindi niya maintindihan ang iniisip ng lalaki.
Pagkatapos ng napakaraming bagay na nangyari, at ngayon na kasal na siya nang isang taon kay Ning Xueluo, paano niya nagawang sabihin ang ganoong klaseng bagay sa kanya?
Nanginig ang puso ni Su Yan sa masamang tingin ni Ning Xi.
Paos ang boses ng lalaki, sabi niya, "Xiao Xi, alam kong parang kabaliwan ang sinasabi ko sayo…"
"Hindi ba?"
"Pakinggan mo ako…"
Huminga nang malalim si Su Yan. "Matagal na matagal ko na 'to iniisip… Hindi ko bigla lang naisipan… Nagisisi… Nagsisi talaga ako… at naintindihan ko… kung sino talaga gusto… mahal ko…"
Tiningnan ni Ning Xi ang lalaking binigyan niya ng tunay na pagmamahal sa kabataan niya, ang lalaking nagdulot ng lungkot at pighati sa kanya…