Chapter 1891: Magsimula Tayo Ulit?
"Oo, kasal na ako at sobrang saya ko! Ngayon, pwede bang 'wag ka na mag-alala, little monk?" Tumawa nang banayad si Ning Xi, tuwang tuwa.
Tumango si Tang Nuo, gumaan na ang loob niya.
"Pero, dahil sa trabaho ko, alam mo naman hindi pa pwede mangyari yung wedding. Pag pwede na, i-invite talaga kita! Gusto kong i-piggy back mo ako palabas ng pintuan!"
"Syempre! Gagawin ko talaga!" sabi ni Tang Nuo, emosyonal.
Nilibot ng magkapatid ang bukid at masayang nag-uusap habang naglalakad.
Habang nag-uusap sila, may biglang nagsalita mula sa likod nila.
"Xiao Xi…"
Tumigil agad ang magkapatid at lumingon.
Sa likod nila, nakita nila ang isang lalaking naka-suit, at mukhang pagod sa biyahe. Mabigat ang itsura niya, parang pagod na pagod. Nakatitig siya si Ning Xi, at hindi umalis ang tingin niya dito kahit sandali.
Nang makita niya si Su Yan, sumimangot agad si Ning Xi at lumamig ang mukha niya.