Chapter 183: Kasal at Asawa
Kinabukasan ng umaga.
Naksuot si Ning Xi ng light pink na bistida at isang pares ng putting sandals na may mababang takong. Nakasuot din siya ng kaunting makeup habang bahagya namang tinuwid ang natural niyang kulot na buhok kaya naging malaalon ang mga ito na aabot ng balikat. Tulad ng nakasanayan, suot niya sa kanyang buhok ang heart-shaped hair clip. Sa madaling salita, mukha siyang mabuting asawa at mapagmahal na nanay.
Nakaupo sa sofa si Lu Tingxiao habang nagbabasa ng dyaryo nang magulat siya saglit pagkakita kay Ning Xi."'Yung ayos mo…"
Kapag 'di naman espesyal ang okasyon, mas pinipili ni Ning Xi ang simpleng style kadalasan. Ito ang unang beses na nakita siya ni Lu Tingxiao na nakabihis na…parang mahinhing babae.
Sabik na napatalon si Ning Xi sa harap niya. "Ano, ano? Mukha na ba 'kong kasal at mukha na ba 'kong asawa?"