Chapter 182: Dahil wala na siyang pakialam
Sa Lu residence.
Pagkatapos amuin si Little Bun na matulog, naglagay ng pacial mask si Ning Xi at matutulog na sana nang umilaw ang cellphone niya dahil may dumating na tawag.
Tawag mula kay Ning Yaohua…
Nanliit ang mga mata ni Ning Xi at lumabas siya sa balkonahe para sagutin ang tawag.
"Uy…"
"Anong uy! 'Di mo ba alam pa'no batiin nang maayos ang tatay mo? Nasa'n 'yang modo mo!"
"Sigurado ka bang ito nanaman ang pag-aawayan natin?"
"Kung alam mo lang na hinihiling kong sana 'di nagkaroon ng tulad mo ang Ning family, pero dumadaloy ang dugo ng pamilya sa mga ugat mo at kahit anong subok ko, 'di 'yun maaalis! 'Yung mga kabalastugang ginagawa mo sa labas, nadadamay ang Ning family at kami ang nawawalan ng mukhang maihaharap!"
"Heh, mga kabalastugang ginagawa ko…may sinabi nanaman ba si Ning Xueluo?"