Chapter 1819: Mabuhay Nang Masaya
Biglang ngumuso si Zhuang Rongguang, hindi masaya. "Ayoko! Hindi ko pa siya tinuturing na bayaw! Sis, ano tingin mo sa bro ko, si Lin Qian? Bata pa lang siya pero colonel na siya! Dati, siya ang nagpadala sayo sa military sanatorium. Siya ang responsable para sa safety mo. Kung 'di ka nagtitiwala sa judgement ko, dapat magtiwala ka sa judgement ng tatay ko! Siya ang pinagkakatiwalaan ng tatay ko, ang maalamat na bata mula sa ibang pamilya, ang taong palaging kinukumpara sakin ni Father…"
Sa gilid, nang makita ni Lu Tingxiao na tinutukso ni Zhuang Rongguang si Ning Xi palayo sa kanya, wala siyang sinabi. Naglabas lang siya ng baril at nagpaputok sa target sa harap, at tinamaan niya ang bull's eye.
Nang makita ni Zhuang Rongguang ang baril sa kamay ni Lu Tingxiao, parang nakita niya ang mahal niya sa buhay. Lumapit agad siya. "Ah! A H. Fox! Bayaw! Cousin-in-law! Pahawak naman! Pamilya tayo! 'Di mo naman iisipin masyado, 'di ba?"