Chapter 181: 'Di ko kailanman pinagsisihan 'yun
Tinitignan ni Ning Xueluo ang pinakabagong mga balita mula sa cellphone niya. Saka lang siya huminahon nang makita niyang puno ang screen ng mga balitang may title na "Ning Xi talks arrogantly after obtaining a sponsor"; "Ning Xi suspected of becoming a mistress"; "Ning Xi refuses to admit her crime and shows no remorse".
"Mabuti naman, siguraduhin lang na 'di magbabago ang tingin ng publiko sa kanya at talagang wala nang sagabal pagkatapos nito!"
Pagkatapos magsalita ni Ning Xueluo, may kumatok sa pinto.
Kabadong napatingin kay Chang Li si Ning Xueluo.
Mabilis na nilinis ni Chang Li ang nabasag na lamp sa sahig at tinakpan agad niya ng tela ang TV bago binuksan ang pinto.
Mula sa labas ng pinto, bahagyang nagulat si Su Yan na makita si Chang Li sa kwarto ni Ning Xueluo ng ganitong oras. "May pinag-uusapan ba kayo?"