Chapter 1802: Ang Buong Storya Ng Pangyayari Noon
Napansin ni Ning Xi na importante ang sasabihin ni Yan Ruyi, kaya nakinig siya nang tahimik.
Mahaba ang buntong-hininga ni yan Ruyi. "Xiao Xi, actually, maraming mga bagay na hindi katulad ng iniisip mo. Alam namin noong una na may gustong babae si Tingxiao at may gusto ring babae si Little Treasure, natuwa kami ng tatay ni Tingxiao hanggang noong… nalaman namin… na artista ka…"
"So, dahil pala sa trabaho ko," bulong ni Ning Xi.
Umiling si Yan Ruyi. "Pagkatapos noon, ang dahilan kung bakit ayaw namin maging kayo ni Tingxiao, at ayaw din namin na mapalapit ka kay Little Treasure ay hindi dahil sa family background mo. Hindi rin dahil sa trabaho mo…
"O dahil siguro nga sa trabaho mo, pero hindi sa paraan na iniisip mo. Hindi mataas ang tingin namin sa sarili namin at hindi namin minamaliit ang mga tao sa entertainment industry.