Chapter 1784: Samahan Mo Muna Ako, Okay?
Ang tagal na… simula noong huli niyang nakita ang ngiti na iyon…
Ang liwanag…
Ang buhay niya…
Ang buong mundo niya…
Ay bumalik…
Umalon ang mga mata ng lalaki at tiningnan niya nang diretso ang mga mata ng babae at hinalikan siya ng walang pag-aalinlangan.
Kumapit ang babae sa leeg ng lalaki at pinatulan ang halik niya.
Sa loob ng sampung segundo, pagod na pagod na si Ning Xi. Tumingin siya sa malayo at pinatong ang ulo niya sa balikat ng lalaki. "T-tigil tayo nang sandali… Di ako makahinga… Parang walang hangin…"
Nagbago ang itsura ng lalaki. Umupo agad siya at kinandong ang babae. "Saan ka hindi komportable?"
"Mmm, okay lang. Mas mahina lang ako ngayon kumpara sa dati… Bwisit! Plano ko mas marami pang gawin sayo! Masyadong mahina yung katawan ko…"
Dumilim ang ekspresyon ng lalaki. "Sino nagpapasok sayo dito?"